Dumaan ang kotse ng kumpanya sa paikot-ikot na kalsada ng Light Flame, bawat liko ay nagpapakita ng tanawin na nagpapakabog sa sikmura ko. Hindi dahil sa ganda, kahit nakamamangha ang mga ubasan na naliligo sa araw ng umaga , kundi dahil sa mga alaala na binabalik ng bawat berdeng burol.Tatlong buwan na ang nakaraan mula nang dumaan ako sa parehong kalsada, pero kasama si Damian sa Porsche niya. Noon, puno ako ng excitement at kaba, at ibang-iba ang dahilan. Naalala ko ang mga kamay niya sa manibela, ang seryosong profile niya habang nagmamaneho, at ang mga kuwentong halong katahimikan na parang komportable. Lahat ng iyon, parang sa ibang buhay na nangyari.“The view is really amazing,” sabi ni Aleysa mula sa likod habang walang tigil na nagpipicture gamit ang cellphone. Siya ang assistant ko, mas excited pa sa trip kaysa sa nararapat para sa isang professional. “I’ve never been to Light Flame before!”“Wait until you see the event complex,” sagot ko, pilit pinapakita na masaya ak
Baca selengkapnya