Tahimik kaming pareho pagkatapos, pero kakaiba ang katahimikan na iyon, parang nakabitin kami sa ilalim ng mga bituin, walang nakaraan, walang hinaharap. Kami lang dalawa at ang pagiging totoo ng sandaling iyon. Sa lahat ng ipinakita na sa akin ni Damian, ang villa, ang vineyards, ang lumang wine cellars, ito, itong lugar at oras na ito, ang pinakanaging personal.“Madala ka ba dito?” tanong ko, binasag ang katahimikan.“Kapag may chance. Pero hindi kasing dalas ng gusto ko. Business takes a lot of time.”“Ang vineyard?”“Oo.” Napabuntong-hininga siya. “The pressure never goes away. Lolo thinks I’m ready to take over completely, pero sina Mama at Papa may ibang plano. Hati ang board.”“Because of the organic project?” tanong ko, naalala ang sinabi ni Astrid.Biglang lumingon si Damian, naging matalim ang tingin.“How do you know about that?” May halong pagdududa ang boses niya.“Astrid mentioned it,” dali-dali kong paliwanag. “Nung may klase kami. Pinakita niya yung lumang reco
Read more