Tahimik na dumadausdos ang kotse sa paikot-ikot na kalsada papunta sa mansyon. Sa bintana, nakita ko ang mga ubasan na nababalutan ng malamlam na liwanag ng buwan, parang malungkot at tahimik. Ang driver, nakatutok sa daan, halatang iniwasan ang tensyon na nasa likod ng sasakyan.Nakasandal si Damian, nakapikit ang mga mata pero halata na gising. Ang bigat ng pagod, pisikal at emosyonal, ay naka-ukit sa mukha niya. Nang sa wakas ay nagsalita siya, mababa at paos ang boses:“Hindi mo kailangang gawin ’yon.”Nanatili akong nakatingin sa tanawin sa labas, parang may mahanap akong aliw sa madidilim na hugis ng mga ubas.“Hindi ko ginawa para sa 'yo,” sagot ko, may pait na hindi ko natago sa boses ko. “Ginawa ko para sa lolo mo.”“Still,” dagdag niya, at sa gilid ng mata ko, nakita kong dumilat siya at nakatingin na sa akin. “Thank you.”Ramdam ko ang titig niya, pero tumanggi akong lumingon. Natatakot ako na kung gagawin ko, makikita niya ang lahat, ang sakit ng mga salitang narinig
Baca selengkapnya