Kinabukasan, sa veranda ng mansyon, may isang lalaking nakayuko sa harap ni Stella. Si Rodel, isa sa matagal nang manggagawa.“Ma’am… nakita po namin kagabi si Sir,” panimula nito, parang nag-aalangan pero sabik sa reaksyon. “Nasa plantasyon po, may kayakap sa dilim. Parang si Liana, ‘yun ampon na inaanak niya… tapos magkasama po sila sa opisina, parang--”“Kayakap?” Umangat ang kilay ni Stella, at ang labi nito ay bahagyang kumurba. “Sigurado ka ba?”“Opo, ma’am. Hindi lang ako nakakita. May isa pa pong kasama.”“Sige, sabihan mo lang ako kapag may balita ka. Dagdagdagan ko ang sweldo mo.”Pag-alis ng lalaki, nanatili siya saglit sa veranda, tinititigan ang malawak na taniman. Mabagal, mapanganib, ang kurba ng ngiti sa labi niya.“Makikita mo ang hinahanap mo, Liana. Hindi ikaw ang aagaw kay Rafael!” mahina niyang bulong.***Sa tanghali, habang nag-aayos si Rafael ng papeles sa opisina niya sa hacienda, biglang bumukas nang malakas ang pinto.Hindi na kumatok si Stella.Inihagis nit
Last Updated : 2025-11-17 Read more