Hinablot ni Rafael ang pulso ni Stacey bago pa ito tuluyang makalapit kay Liana.“Stacey,” mababa at matatag ang boses ni Rafael, parang pader na biglang humarang sa pagitan nila. “Tama na. Huwag kang mag-eskandalo dito. Sa mansyon tayo mag-usap.”Nanginginig ang babae, luhaan, hingal na hingal na parang hinahabol ng multo ang sarili nitong anino. Nakataas ang kamay nito na tila gustong manakit o baka gusto lang humawak sa kung anong pamilyar.“Siya ang dahilan!” sigaw ni Stacey, nangingilid ang luha habang nakatitig kay Liana. “Ikaw ang dahilan kung bakit ayaw mo akong pakasalan! Malandi ka! Papatayin kita!”“Enough.” Mas tumatag ang tinig ni Rafael.Mabilis na lumapit ang dalawang resort staff, alerto sa tensyon. Isa ang pumwesto sa pagitan nina Rafael at Stacey, ang isa naman ay nagbigay senyas sa guard.“Ma’am, please calm down,” sabi ng staff, magalang pero handa.At doon umarte si Stella.Lumapit ito na parang nagmamadali, ang mukha puno ng pagkabahala, ang kilos parang isang ka
Last Updated : 2025-12-28 Read more