Kumatok si Yaya Lucy. Tatlong beses.Nanlamig ang dugo ni Liana.Mabilis na kumilos si Rafael, literal na tumalon mula sa kama, tumakbo, at nagtago sa likod ng pinto.“Liana? Gising ka ba, hija?”Huminga nang malalim si Liana at mabilis na binuksan ang pinto, inilabas ang kalahati ng katawan.Pero ang kalahating bahagi na nasa likod ng pinto…ay biglang napaigtad.Dahil si Rafael, ang lalaking dapat nasa ospital, ang lalaking hindi dapat pumasok sa kwarto niya… ay mabilis na yumuko at hinalikan ang balikat niya, mabagal at mapanganib.“Ahh, Yaya Lucy, bakit po?” Napatili siya sa mahinang hinga, muntik nang mapaungol.Kasabay noon, hinawakan at pinisil ni Rafael ang isa niyang kamay.“Liana, may labahin ka ba? Iha?” tanong ni Yaya Lucy.Umiling siya, namumula ang mukha.“Ay ganun ba? Sige, ipaalam mo lang sa akin ha? Kinausap ako ni Rafael na huwag ka ng pagawain ng mabibigat na gawaing bahay.”Napatigil si Liana. Dahil dinidilaan ni Rafael ang balat sa collarbone niya, pinupuntirya ang
Last Updated : 2025-11-26 Read more