Pagkasara ng pinto, humugot ng malalim na hininga si Rafael.“Liana,” mahina pero mariin ang boses nito, “labas ka na riyan.”Halos gumapang siya palabas mula sa ilalim ng mesa. Nanginginig ang tuhod, kumakabog ang dibdib, at parang wala nang dugo ang mukha.Pag-angat niya, hindi niya nakalkula ang distansya.Nabunggo niya ang harapan ni Rafael.Pareho silang napahinto.Mabilis siyang umatras, napakapit sa gilid ng mesa, namumula ang pisngi. Si Rafael, mariing pumikit sandali, parang may kinakalaban sa loob nito.“Sorry…” bulong niya, halos hindi marinig.Biglang hinawakan ni Rafael ang pulso niya.Hindi masakit. Pero mahigpit.“Liana…” mababa ang boses nito, magaspang, parang galing sa lalim ng dibdib. “Tell me you’re not scared of me.”Napatingala siya.Kitang-kita niya ang init sa mata nito, nakahalo sa guilt, galit, pag-aalala.“Hindi po…” bulong niya, nanginginig ang pilik-mata. “Mas natatakot po ako kapag wala kayo.”Parang may nahulog sa pagitan nila na hindi na pwedeng kunin pa
Last Updated : 2025-12-01 Read more