Naglalakad sila ni Rafael papunta sa night market na puno ng ilaw, usok, at tawanan. Kahit simpleng lugar lang iyon, para kay Liana parang biglang naging mas magical dahil kasama niya si Rafael. Buti na lang din at bumalik na ang mood nito matapos makatanggap ng message kanina.“Babe,” bulong nito, bahagyang yumuko para marinig niya sa gitna ng ingay. “Tonight, lahat ng gusto mong bilihin o kainin, sabihin mo lang.”“Eh ‘di wow,” natatawa niyang sagot. “Baka sumakit tiyan ko niyan at maubos laman ng wallet mo.”“Sige lang. Ako bahala sa’yo,” sabi nito, sabay hawak sa bewang niya para idikit siya palapit sa kanya habang naglalakad sila sa masikip na path.Huminto sila sa unang stall, fishball.“Ate, fishball nga po, pahingi pong cup,” sabi niya.“’Yung pinakamalaking cup po para share kami, just one stick,” dagdag ni Rafael.Napangiti ang tindera. “Ang sweet naman ninyong magjowa.”“Tingin pa lang, halatang mahal ka niyan,” biro pa ng tindera habang inaabot ang cup.Namula si Liana.Hin
Last Updated : 2025-12-13 Read more