Tahimik ang umaga sa resort.Hindi maingay ang alon, hindi pa mainit ang araw. Sakto lang ang hangin, malamig sa balat, sapat para pakalmahin ang katawan at isip. Sa pagitan ng dalawang puno ng niyog, may nakabitin na hammock. Doon nakahiga si Liana, may hawak na libro, ang paa ay bahagyang nakalawit.Sa tabi niya, si Rafael.Nakahiga rin ito, nakapikit, isang braso sa batok, at ang kabilang kamay… hawak ang kamay niya.Hindi mahigpit. Hindi rin maluwag. Saktong kapit lang, parang paalala lang na naroonito sa tabi niya.Tahimik si Liana habang nagbabasa, pero paminsan-minsan, napapatingin siya kay Rafael. Sa mukha nitong payapa. Sa dibdib nitong marahang umaangat-bumaba. Sa paraan ng pagpisil nito ng konti sa kamay niya kapag parang nararamdaman nitong tinititigan siya.“Hindi ka nagbabasa,” biglang sabi ni Rafael, hindi pa rin nagbubukas ng mata.Napangiti si Liana. “Ikaw din naman, hindi ka natutulog,” aniyang sumiksik sa kilikili ng binata. Bakit ang bango ng underarms nito? Parang
Last Updated : 2025-12-27 Read more