“Sandali lang,” hingal na sabi ni Liana. “Maliligo muna ako.”Hindi na niya hinintay ang sagot. Tumakbo siya papunta sa banyo, isinara ang pinto, saka sumandal. Mabilis ang tibok ng puso niya. Huminga siya nang malalim, binuksan ang shower, hinayaang dumaloy ang tubig sa balat. Parang gusto niyang alisin ang kaba.Lumipas ang ilang minuto. Tapos na siyang maligo pero naninigas ang katawan niya.Hanggang may marahang katok.“Babe?” boses ni Rafael. “Okay ka lang?”Huminga si Liana, kinuha ang tuwalya, at naglakad palabas. Nakatapis siya, basa pa ang buhok, ang pisngi namumula.Nadatnan niyang nakatayo si Rafael sa may bintana, may hawak na baso ng wine. Sa mesa, may isa pang baso, para sa kanya. Lumapit siya at kinuha ang baso.“Relax, babe,” sabi nito, may ngiting hindi nanunukso kundi umaalo. “Nervous?”Umiling si Liana, kahit nanginginig ang kamay na humawak sa baso. Tinungga niya ang laman na parang tubig, walang natira.“Medyo kabado lang,” amin niya, pilit na tumatawa.Napangiti s
Last Updated : 2025-12-20 Read more