Tahimik lang kami buong biyahe papunta sa venue. Wala talagang nagsasalita sa aming dalawa. But honestly, mas naging komportable ako dahil dun at least nabawasan yung awkwardness na kanina ko pa iniinda. Pagdating namin, unang bumaba si Sam para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. I took a small breath before stepping out. Pag-apak pa lang namin sa hagdan ng venue, sunod-sunod na yung mga camera na tumutok sa amin. Parang bigla akong nabulag sa dami ng flash. “Just smile,” bulong ni Sam. Kahit pilit, ginawa ko pa rin. I kept my lips curved habang hindi ko alam kung saan ako titingin kaliwa, kanan, sa photographer ba sa harap, o dun sa may gilid? Camera clicking everywhere. I felt my heartbeat in my throat, pero pinilit ko pa ring panindigan yung ngiti. Not until matapos lahat ng flashes at tanong-tanong. Finally, nakapasok din kami sa mismong hall, and I swear para akong nakahinga ulit. Pagpasok namin sa hall, bumungad agad yung mga business friends ng family namin at ng fam
Last Updated : 2025-11-24 Read more