Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala lang doon, nakatingin sa harap ko habang kumakain, pero parang bawat kagat ko may kaakibat na flashback ng kahihiyan kagabi. Ang hirap huminga, pero pilit kong pinipilit maging kalmado kahit gustong-gusto ko nang sumigaw, magtime travel at suntukin sa mukha yung sarili kong version kagabi. Ethan, on the other hand, was acting like nothing happened. Walang bakas ng pagod o inis. Para bang normal niya lang na routine ang may lasing na babae sa unit niya, umiiyak, humahampas, nagbubunganga… at apparently, nanghahalik. Sinandalan ko yung upuan at dahan-dahang huminga. Hindi ko na alam kung paano ko maitatama ang mundo ko after kagabi. “Stop overthinking,” bigla niyang sabi. Napatigil ako. “I’m not.” Tumaas yung kilay niya. “You’ve been staring at your food for three minutes.” “Hindi ako nag-o-overthink,” ulit ko. “Nagpa-process lang.” “Same thing.” “Hindi.” “Okay,” he said, taking a sip of coffee. “Then ano’ng pinaprocess mo?
Last Updated : 2025-12-08 Read more