“Bagong Laban, Bagong Damdamin” ⸻ Clara Bumagsak ang huling baggage sa conveyor belt, pero para sa akin, hindi iyon ang pinakamalaking challenge sa araw na iyon. Nakatingin ako sa airport ng Paris, France, ang lungsod na matagal ko nang pinangarap puntahan—pero hindi para sa turismo. Para sa trabaho. At para kay Alexander. Hindi pa rin ako makapaniwala na narito ako sa Europe, kasama sa pinaka-sensitive na cybersecurity mission ng kumpanya. Lahat ay real. Lahat ay high-stakes. At lahat ay magkasabay sa damdamin ko: excitement, tensyon, at… takot. Alexander Nakatayo ako sa labas ng arrival area, nakamasid habang bumaba siya sa escalator. Hindi ko siya hinawakan sa unang pagkakataon, hindi dahil ayaw ko—kundi dahil gusto kong hayaan siyang damhin ang sarili niyang tagumpay. Ngunit habang papalapit siya sa akin, naramdaman ko ang bawat maliit na detalye—ang pagod sa mga mata niya, ang pag-igting ng balikat niya sa bigat ng bag, ang tahimik na determinasyon na
Last Updated : 2026-02-11 Read more