Heislee Jean Velasco’s Point of ViewKagaya ng balak ni Darius, hindi siya umuwi. Kung may mga kailangan siya, ipapakuha niya sa mga tauhan niya.Hindi ko tuloy alam kung paano nga ba ako makapag-iisip nang maayos kung nandito si Darius mismo.“Where are you going?” tanong nito nang makita ako.Nasa living room kasi siya, dahil may mga inaasikaso yata siyang documents. Seryoso nga siya, at salubong pa ang kaniyang kilay. Ni hindi man lang nito magawang ilihis ang kaniyang mga mata sa screen, pero nang marinig niyang sumara ang pinto, saka siya napagawi sa akin.“Pupunta sa mall. Bibili ng stocks since wala naman ng laman ang refrigerator ko,” paliwanag ko sa kaniya.Minsan lang kasi talaga ako magpunta rito. Kapag may kukunin lang ako, saka ako pupunta rito. Pero ngayon na nandito si Darius, at balak pang magtagal dito, parang kailangan ko talagang bumili para may makain kami.Although, puwede naman na magpa-deliver na lang kami, o kumain sa labas, parang mas prefer ko na lang na nand
閱讀更多