Heislee Jean Velasco’s Point of View “Darius,” tawag ko sa kaniyang pangalan.May nauna na ring pumasok ngayon sa event hall, habang kami ni Darius ngayon ay nasa labas lamang.“Hmm?”Napasulyap ako sa hawak niyang baril nang lumingon siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagiging malambing niya sa akin ngayon, parang natatakot pa rin ako.Alam ko naman na sanay na sila sa ganito, pero hindi ko ap rin naman kasi talaga maiwasang matakot, eh. Siguro ay dahil alam kong hindi healthy ang ganitong environment sa kanila.May mga trauma sila, at alam kong hindi nakabubuti sa kanila ang mga ganito, kahit pa alam ko naman ang rason.“Ipangako mo sa akin na walang mangyayaring masama sa ‘yo,” sambit ko, habang nakatingin ngayon sa kaniyang mga mata. “Dapat wala kang sugat.”He pursed his lips. Nakita ko rin ang pagkislap ng kaniyang mga mata, pero nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Hindi nagsasalita.“Mangako ka sa akin, Darius.”Lumapit naman siya sa akin, at hinalikan ka
Read more