Heislee Jean Velasco’s Point of View“Ano ang tinitingnan mo riyan?” tanong sa akin ni Johanna nang mapatitig ako sa labas.Kaya naman mabilis akong napalingon sa kaniya, at hindi inaasahan na binabantayan pala niya ang galaw ko.“Natulala lang,” saad ko, dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko.Imagine, bigla ko na lang mararamdaman ‘yong pamilyar na mga mata? Pero kung tutuusin din lang naman ay malabong mangyari ‘yon.Natawa ako nang mahina, at bahagyang napailing na lamang.“Nami-miss ko yatang magbakasyon,” paliwanag ko sa kaniya, kahit na ang totoo ay bumabagabag lang talaga sa isipan ko si Darius.Ang lala ko naman para maramdaman ‘to. Noong nandoon ako, gusto kong umuwi. Pero ngayon na nagawa kong makatakas kay Darius, saka ko naman iniisip ang lalaking ‘yon.“Alam mo, umuwi ka na. Pagod ka lang siguro, dahil nagawa mo pang mag-overtime! Kung hindi kita pinuntahan sa office mo, hindi ka titigil sa pagtatrabaho.”Hindi ako makasagot. Tama siya roon. Pinili kong magpakasub
Baca selengkapnya