Heislee Jean Velasco’s Point of View“What the actual fuck?” gulantang kong sambit, habang nakatitig sa kaniyang mga mata, at bahagyang nanglaki ang aking mga mata.Ipinilig lamang niya ang kaniyang ulo nang marinig niya ang aking sinabi. Mas inilapit nga niya ang kaniyang mukha sa akin. Tila hindi nakuntento sa lapit ng kaniyang mukha.Pilit tuloy akong umaatras, kahit wala naman ng space sa likod ko, dahil dingding na ‘yon.Naamoy ko tuloy ang kaniyang hininga, at pabango. May halong mint ang kaniyang hininga, habang ‘yong pabango niya, hindi ko maintindihan, pero hindi siya masakit sa ilong.Para siyang bagong ligo, pero hindi nakahihilo. Sakto lang. Amoy Daddy.Tumikhim ako, dahil kung anu-ano ang naiisip ko sa lagay na ‘to. Akala ko ba ay kinaiinisan ko siya, dahil nagawa niya akong matalo noon? Tapos biglang magtatagpo ang landas namin matapos nang ilang araw?“Scared?”Natawa naman ako nang pagak. May saltik ba ‘to para matakot ako? Hindi ba puwedeng naiinis, at nagugulat lang
Last Updated : 2025-12-27 Read more