Heislee Jean Velasco’s Point of ViewNagtagal din kami nang ilang oras ni Darius doon. Since pagod naman na ako sa kalalangoy, pinapanood ko na lamang siyang lumangoy, habang ako naman ay kumakain lamang ng dried okra.Imagine, hindi ako kumakain ng okra, pero dahil nagdala si Darius nito kanina lang, at wala akong choice kung hindi ay subukan? Pinagpipilitan kasi nitong kailangan ko raw kumain no’n, pero hindi ko tipo ang lasa.Ngunit nang ipatikim niya sa akin ‘tong dala niya, hindi ko alam, pero natutunan ko rin ‘tong magustuhan. Hindi ko na tuloy mapigilan ang sarili ko.“How was it?” tanong niya sa akin na siya namang ikinahaba ng aking nguso.Aminado naman akong masarap, at medyo matamis pa nga ‘to, eh. Pero dahil hindi naman ‘to kagaya ng chips na junk foods, healthy talaga.“Masarap na hindi ko maintindihan,” bulong ko, at napatitig na lamang sa hawak ko. “Wala naman ‘tong halong drugs, ‘no?”Doon siya natawa, habang ako naman ay hindi pa rin mapigilang mapatitig dito.“Sir.”
Baca selengkapnya