Heislee Jean Velasco’s Point of ViewNagtagal nang ilang oras ang meeting nila. Inabot na nga rin ng gabi, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga tapos ang meeting nila.Bigla ring may nag-doorbell. Kaya kaagad akong lumabas para tingnan kung sino ang pumasok, pero nagulat ako na isang employee pala rito.Ngumiti siya sa akin nang matamis, habang may hawak na paper bag.“Good evening, ma’am. Sir Ventura informed us to deliver your dinner po.”Kaagad ko naman ‘yong inabot, at napangiti na lamang nang tipid.“Thank you.”“Enjoy your dinner, ma’am!”Humugot ako nang malalim na hininga nang makapasok ako sa office ni Darius. Wala naman akong ganang kumain, pero ewan ko ba! Parang ayaw kong galitin si Darius ngayon, dahil sa mga nalaman ko sa kaniya.“This is weird,” bulong ko, at ipinatong na lamang ang paper bag sa center table.Umasim ang aking mukha, habang nakatingin sa bintana na kung saan ay puro city lights lang ang makikita.Since mataas din ‘tong headquarters nila, halos malu
Read more