Roxanne’s POVNagising ako dahil sa malakas na pagtunog ng cellphone ko. Napaigtad ako at agad inabot ang cellphone sa bedside table bago pa magising si Mateo. Nang makita ko ang pangalan ni Mommy Tess sa screen, parang biglang nawala ang antok ko.Sinagot ko ang tawag at ibinaba ang boses ko. “Good morning po, Mommy Tess.”“Good morning, hija,” sagot niya. “Julian told me, hindi ka raw natulog sa bahay ninyo ilang araw na ang nakalipas.”Napatingin ako kay Mateo. Mahimbing pa rin siyang natutulog, pero mahigpit ang yakap niya sa akin, parang natatakot siyang mawala ako. Napalunok ako bago sumagot.“May konting aberya lang po,” sabi ko. “Nagkaroon po kami ng hindi pagkakaintindihan.”“Ganoon ba,” sabi niya. “Nag-away na naman ba kayong dalawa?”“Hindi naman po malala,” sagot ko kahit hindi totoo. “May pinag-awayan lang po.”“Roxanne,” mas seryoso ang tono niya, “alam mo naman na ayokong nakikitang nahihirapan ka. Kung anuman ang problema ninyo ni Julian, sana ay magkabati na kayo. Lal
최신 업데이트 : 2026-01-10 더 보기