Roxanne’s POV Pagmulat ko ng mata, naroon pa rin siya. Akala ko umalis na siya, pero nanatili siya. Nakahiga sa tabi ko, mahigpit pa ring nakayakap, para bang sinisiguradong hindi ako mawawala paggising niya. Payapa akong nakatulog sa tabi ni Mateo. Matagal na rin mula nang huli akong nakatulog nang walang kaba sa dibdib, walang iniisip na galit ni Julian, walang takot na baka magkamali ako ng kilos. Kagabi, unang beses kong naramdaman na hindi ko kailangang magpanggap. Hindi ko kailangang mag-ingat sa bawat hinga ko. Pagmulat ko ng mga mata, una kong nakita ang mukha ni Mateo. Nasa tabi ko pa rin siya. Nakahiga nang bahagyang nakatagilid, ang isang braso ay nakapulupot sa baywang ko, ang kamay niya ay nasa tiyan ko. Hindi siya umalis. Akala ko gigising ako na mag-isa, na baka bumalik siya sa kwarto niya bago pa magising ang buong bahay. Pero nanatili siya. Pinagmasdan ko siya habang mahimbing ang tulog. Payapa ang mukha niya—walang bakas ng pagiging CEO, walang bakas ng pagiging
최신 업데이트 : 2026-01-08 더 보기