Roxanne’s POVPagbalik namin galing bakasyon, lumipat na ako sa bagong bahay namin ni Mateo. Mas maaalagaan niya raw ako ng mabuti kung kasama ko siya. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siyang abala sa pag-aayos ng mga bagong biling gamit ng anak namin.“Mateo, kailangan mo ba talagang ayusin lahat ng ito ngayon?” tanong ko habang nakaupo sa sofa, pinagmamasdan siya.Ngumisi siya nang husto. “Kailangan. Kung hindi ako gagawa, sino pa?” Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago bumalik sa pag-aayos ng maliit na cabinet.May sariling kwarto ang anak namin. Siya pa raw ang nag-design. “Gusto kong ma-perfect ang lahat, Mhie. Lalaki siya, kailangan maayos lahat bago dumating,” sabi niya habang inaayos ang maliit na closet at mga laruan.“Lalaki nga ba talaga?” tanong ko, nakangiti at kinakausap ang tiyan ko.“Oo. Malakas ang kutob ko,” sagot niya sabay tapik sa tiyan ko. “Kapag annulled na ang relasyon mo kay Julian, saka natin pag-usapan ang isa pang anak. Gusto ko naman,
Huling Na-update : 2026-01-18 Magbasa pa