VRIGITTE FAITH Villena Ang amoy ng alak, sigarilyo, at mamahaling pabango ay agad na bumungad sakin pagkabukas palang ng pinto ng bar. Hindi ito basta bar. Mula sa ilaw, sa musika, hanggang sa mga taong nakaupo sa malalambot na sofa—lahat ng bagay dito ay sumisigaw ng pera at kapangyarihan. Pero wala akong pakialam. Hindi ako nandito para uminom o makipag party. Nandito ako dahil desperada na ako. Desperadang humingi ng tulong para sa buhay ng kapatid kong si Kairo. “Excuse me, ma’am, members only,” sabi ng guard sa pinto. Malaki ang pangangatawan, naka-earpiece, at parang isang maling salita ko lang ay tatalsik ako palabas. “I-I’m here for… someone. I was told to deliver something.” Nilabas ko ang maliit na brown gtm envelope—ang papel na ibinigay ng kaibigan kong si Migs. Migs. Siya ang nagsabing makakatulong daw sakin si Zaitan Raiv Gulliermo, na siya lang daw ang pwedeng tumulong sakin para mailigtas si Kairo. “Miss?” tinig ng isang babae sa gilid ko. “You’re not
Read more