Kinabukasan sa school, pumasok ako na may bitbit na baong kape mula sa Casa, determinadong panindigan ang pagiging 'propesyonal' at tahimik gaya ng plano ko. Pag-upo ko sa pwesto ko, saktong pumasok si Roxie. Gaya ng kahapon, diretso lang ang tingin niya, pormal ang aura, at hindi lumingon sa direksyon ko habang umuupo siya sa desk niya sa unahan. Susunod ako sa agos. Walang gulo.Ang kaso, nakalimutan kong may isang gago nga pala akong tropa na walang pakialam sa mga patakaran ng mundo.Vibrate.Dahan-dahan kong dinukot ang phone ko mula sa bulsa nang maramdaman kong nag-vibrate ito sa ilalim ng desk. Pagkabukas ko ng screen, isang bagong gc sa Messenger ang bumungad sa akin.Group Name: SECRET MERYENDA NG MGA SUPREMO (BAWAL MAINGAY)Members: Justine, Kairo, Roxie VenturaNanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Justine na nakaupo sa kabilang row, at ang gago, nakangisi sa akin habang itinataas-baba ang mga kilay niya na parang ewan.Justine: Ehem. Testing mic 1 2 3. Hello mga ka-
Last Updated : 2026-07-05 Read more