Compartilhar

Chapter 4

Autor: kkyrieehale
last update Data de publicação: 2026-06-16 09:37:52

Buong biyahe ko pauwi ay hindi ko mapigilang mapailing at mapangiti mag-isa sa loob ng kotse. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang karangyaan, lalo na’t may kasama itong matinding kasungitan. Mas lalo tuloy akong nagaganahan sa project na ’to, parang hindi magiging boring ang semester ko.

Pagkapasok ko sa malaking gate ng Casa, ipinarada ko ang Audi ko at mabilis na pumasok sa loob.

"Tito-to!"

Agad na gumuhit ang malawak na ngiti sa mukha ko nang makita ko ang paborito kong pamangkin. Si Baby Au
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 13

    Buong biyahe ko pabalik ng Casa, hindi ko maalis ’yung pilyong ngisi sa mukha ko habang nagda-drive. Ewan ko ba, mas lalo kong napapahigpit ’yung hawak sa manibela ng Audi ko tuwing naaalala ko kung paano natigilan si Roxie sa library kanina, nung sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa... kung hinalikan ko ba siya no'n papalag kaya siya? Tangina! ano ba tong mga naiisip ko!Pasado alas-otso y medya na nang maipark ko ’yung kotse sa garahe. Pagkapasok ko pa lang sa main door ng mansyon, sinalubong agad ako ng pamilyar na tawanan nila kuya Gado"Naka-upo si Kuya Gomez sa single-seater na leather sofa, may hawak na baso ng scotch, habang si Kuya Gado naman ay nakasandal sa may mini-bar, pinapaikot ’yung pocket knife niya sa pagitan ng mga daliri niya."Dalawang gabi ka nang late umuuwi, Kairo. ah?" bungad ni Kuya GomezPilit kong pinanatili ’yung seryosong mukha ko habang isinasabit ’yung backpack ko sa isang balikat. "Nag-encode lang kami ng data para sa major project namin" sagot ko.

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 12

    Pasado alas-kwatro ng hapon nang marating ko gate ng elite subdivision nina Roxie. Dahil hiwalay kaming bumiyahe, swak na swak na nauna lang siya sa akin nang ilang minuto. Ipinark ko ang Audi ko sa tapat ng white house nila. Sa liwanag ng hapon, mas kitang-kita kung gaano kayaman ang pamilya nina Roxie. Minimalist ang design, puro salamin ang dingding sa harap, at halatang high-end ang architecture.Pagkababa ko ng kotse, bitbit ang backpack ko, naglakad ako patungo sa gate. Sakto namang bumukas ang pinto ng mansyon at sinalubong ako ng isang kasambahay na may pormal na ngiti."Kayo po ba si Sir Kairo? Tuloy po kayo, inaantay na po kayo ni Ma'am Roxie sa mini-library sa itaas," saad ng katulong habang pinapapasok ako."Salamat po," pormal na sagot ko habang sumusunod sa kaniya paakyat sa ikalawang palapag.Ang mini-library nila ay mas malaki pa yata sa sala ng apartment ni Justine. Puno ito ng mga libro, may malambot na carpet sa sahig, at may isang malaking glass table sa gitna na n

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 11

    Gaya ng inaasahan, maaga akong nagising na may kakaibang energy. Pagkapasok ko sa campus gamit ang Audi ko, hindi ko mapigilang mapangiti habang naglalakad sa hallway. Ewan ko ba, parang biglang sumaya pumasok kahit na economics at business statistics ang mga subject ko ngayong umaga.Pero pagdating ko sa tapat ng room namin para sa major project, napansin kong medyo iba ang atmosphere. Ang mga kaklase namin na nakatambay sa labas ng pinto ay biglang nagbulungan nung makita ako. Ang iba, nakangisi na parang may alam na sikreto."O, nandyan na pala si Loverboy, eh," siko ng isa naming ka-block kay Justine na kasalukuyang nakasandal sa pader habang umiinom ng Dutch Mill.Lumalapit pa lang ako, sinalubong na agad ako ni Justine na may nakakalokong ngiti. "Pre, sikat ka na naman. May nakakita sa inyo kagabi."Kumunot ang noo ko. "Anong nakakita?""May nakakita raw sa inyo ni Ventura sa tapat ng The Daily Knead. Magkaangkas sa Ninja ko, tapos... tangina pre, nakayakap daw sa'yo nang mahigp

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 10

    "Isang helmet lang 'to, Guillermo," matabang na puna ni Roxie, sabay turo sa hawak kong full-face helmet. "Paano ako? I'm not risking my life just because my driver is stuck in traffic."Natawa ako nang mahina sabay hakbang papalapit sa kaniya. "Sino bang nagsabing ako ang magsusuot?"Bago pa siya makasagot, dahan-dahan kong ipinasok ang helmet sa ulo niya. Medyo natigilan siya habang inaayos ko ’yung lock sa ilalim ng baba niya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa na halos maamoy ko na naman ’yung lavender na pabango niya. Kita ko sa clear visor kung paano rumehistro ang gulat sa mga mata niya."O, ayan. Safe ka na, Ventura," sabi ko sabay tapik nang mahina sa ibabaw ng helmet niya."Wait, paano ka?" usisa niya, medyo paos ang boses sa loob ng helmet."Sisiw lang. Kabisado ko ang mga looban dito. Tsaka dahan-dahan lang naman ako magpatakbo," kindat ko sa kaniya bago ako sumakay sa Kawasaki Ninja at pinaandar ang makina na nag-produce na naman ng malakas na ugong. "Sakay na. Haw

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 9

    "Okay, ready ka na?" pabulong na tanong ni Roxie habang inaayos ’yung hawak niyang iPad. Lumunok muna siya, halatang medyo kinakabahan pero pilit na pinapanatili ’yung professional look niya."Sige lang, Ventura. Naka-back up ako sa likod mo," sagot ko habang nakasandal sa upuan ko, nakangisi lang sa kaniya.Tumayo siya at dumeretso sa counter kung nasaan ’yung medyo matangkad na barista na naka-apron. Sumunod lang ako sa likod niya, nakapamulsa habang pinapanood kung paano siya makipag-usap."Hi, good afternoon," pormal na panimula ni Roxie, nagpakawala ng kaniyang pang-corporate na ngiti. "We’re business students from the university, and we're currently conducting a market analysis. Is it possible to speak with the manager or the owner even for just a few minutes? We just have a few academic questions regarding the digital marketing and supply chain of the café."Tumingin sa kaniya ’yung barista, medyo mataray ang awra at walang kabuhay-buhay ang mukha habang nagpupunas ng tasa. "Na

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 8

    Mabilis na lumipas ang mga natitirang subject namin para sa araw na ito. Eksaktong 3:30 PM nang tumunog ang huling bell. Hudyat na ng uwian."O, pre, diretso ka na ba sa site visit niyo ng boss mo?" tanong ni Justine habang isinasabit ang kaniyang backpack sa isang balikat, naglalakad kami pababa ng hagdan ng building."Oo, kailangang tapusin ’yung outline para sa market analysis ngayon. Masungit pa naman ’yun baka kapag nalate ako eh makarinig ako ng hindi katanggap tanggap na salita galing sakaniya. " sagot ko habang kinakapa ang bulsa ko.Eksakto namang natanaw ko si Roxie sa di-kalayuan, naglalakad palabas ng lobby habang may tinitingnan sa phone niya. Alam kong naka-SUV ’yun at sigurado akong maiipit sa rush hour traffic sa may main road. Kung gagamitin ko ang Audi ko, baka pareho lang kaming gapangin sa traffic at baka ma-late pa ako sa usapan namin. Ayaw kong makarinig ng talak sa kaniya.Nilingon ko si Justine sabay hablot sa balikat niya. "Pre, hiram muna ng motor. Palit mun

  • Under My Father In-Law's Touch   ILWMHP(CHAPTER38)

    Wedding day…“Ang ganda mo bestie!” puri sakin ni Trixie, kasama ko siya ngayon sa loob ng room kung saan ako inaayusan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang inuumpisahan na akong make up-an. Bukod kasi sa naeexcite ako ay kinakabahan rin… lalo pa ng sinabi ni Trixie na any time pwede na mags

    last updateÚltima atualização : 2026-04-02
  • Under My Father In-Law's Touch   ILWMPH(CHAPTER18)

    Nalula ako sa laki ng bahay ng nila Franlester, kumbaga malaki na yung bahay namin, pero mas malaki itong sakanila. "Di mo naman sinabi na prinsipe ka pala?" natatawa kong bulong kay Franlester "What do you mean?" tanong nito "Para kasing castle ang bahay nyo" saad ko pa "Bahagya lang naman

    last updateÚltima atualização : 2026-03-31
  • Under My Father In-Law's Touch   ILWMHP(CHAPTER 60)

    “Okay ka lang ba?” tanong ni Franlester sakin at hinaplos ang ulo ko ng makasakay kami sa kotse niya“Ayos lang ako… thank you sa pagtatanggol mo sakin at kay mommy.” saad ko “Hindi naman ako papayag na isnsultuhin kayo ng ibang tao no! Makakatikim talaga sila ng masakit na salita” tawa pa nito“P

    last updateÚltima atualização : 2026-04-05
  • Under My Father In-Law's Touch   ILWMHP(EPILOGUE)

    Two Years Later…Dalawang taon mula nang tuluyan kong piliin ang buhay na mayroon ako ngayon. Isang simple at tahimik kasama ang anak namin ni Franlester na si Franiel. Ngayon ay ipinagdiriwang namin ang 3rd birthday ni Franiel. Simple lang ang party. Ayoko ng engrande, dahil mas gusto ko ang ganit

    last updateÚltima atualização : 2026-04-05
Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status