Matapos naming mahila si Justine mula sa putikan ng lagoon, dinala agad namin siya sa outdoor washing area malapit sa mga banyo ng hub. Ang kaso, dahil napakakapal ng marsh mud at wala siyang dalang pamalit na pantalon, walang nagawa ang gago kundi magbuhos nang magbuhos ng tubig gamit ang timba doon sa gripo, habang kinukusot ang kaniyang maong para lang matanggal ang dumi.Ang resulta nung lumabas siya? Mukha siyang basang sisiw na ewan. Mula baywang pababa, basang-basa ang maong niya na halos dumikit na sa balat niya, at bawat hakbang niya patungo sa parking lot ay may kasamang tunog ng pumapatak na tubig."Pucha naman, kung makatingin kayo parang hindi niyo ako tropa, ah," reklamo ni Justine habang pabalagbag na umupo sa gilid ng gutter, pilit na pinipiga ang dulo ng basang-basa niyang pantalon. "Nakatulong naman ako sa data gathering, ah? Nakunan ko ng video ’yung bibe bago ako nahulog!""Gago, tinakbo mo ’yung clipboards natin, buti na lang nasalba ni Chloe," natatawang saway ko
Terakhir Diperbarui : 2026-07-06 Baca selengkapnya