Kairo’s POVPang-isang daan at limampu’t pitong beses ko na yata itong pag-ikot ng gabi sa aking kwarto. Alas-onse na ng gabi pero ang utak ko ay nandoon pa rin sa St. Luke’s, nakatali sa tabi ng kama ni Roxie. I kept staring at the burner phone in my hand, waiting for any text or call, pero ayaw ko naman siyang istorbohin dahil alam kong kailangan niyang matulog para maghilom ang dalawang bali sa tadyang niya.Dahan-dahan akong lumapit sa bintana ng kwarto ko at hinawi nang bahagya ang kurtina. Sa labas ng subdivision, sa ilalim ng madilim na anino ng mga puno sa highway, nakaposisyon pa rin ang dalawang itim na Ford Explorer. Kanina pa silang hapon doon—nagpapalit lang ng shift ang mga tauhan ni Ventura para siguraduhing hindi ako makakalabas na hindi nila alam. Nilingon ko ang pinto ng kwarto ko nang bumukas ito. Pumasok si Kuya Zaitan, may hawak na baso ng scotch habang nakatanggal na ang kaniyang necktie at nakatupi ang manggas ng kaniyang puting polo."Hindi ka pa natutulog," w
Last Updated : 2026-07-18 Read more