Matapos ang masayang gabi kasama ang squad, nagising kami nang medyo tanghali na. Linggo ngayon, kaya walang board meetings, walang site inspections, at walang deadline mula sa mga kliyente. Ang tanging naka-schedule sa araw na ito ay kami lang dalawa, ang isang tasa ng mainit na kape, at ang napakalaking blangkong papel na nakalatag sa ibabaw ng sala table.Habang abala si Kairo sa paghahanda ng French toast at scrambled eggs sa kusina, nakaupo ako sa tapat ng mesa habang hawak ang aking favorite mechanical pencil. Naka-oversize t-shirt lang ako at naka-bun ang buhok ko, habang ang paligid ay tahimik maliban sa mahinang tugtog ng acoustic playlist mula sa speaker."Tagal naman ng chef, nagugutom na ang future wife mo dito oh," biro ko habang kumakatok nang mahina gamit ang lapis sa mesa.Lumabas si Kairo mula sa kusina bitbit ang dalawang plato ng pagkain at ang paborito naming kape. Nakasuot lang siya ng simpleng gray sweatpants at white t-shirt, basang-basa pa ang gilid ng buhok da
Last Updated : 2026-08-30 Read more