"Dito po tayo, Mr. Carreon," sabi ni Mr. Salvador sa kanya. Tumango lang si Nikolaj at pumasok.Sa front row, may mga nameplates na ang mga upuan para sa officials. Pero ang pinaka-gitnang upuan ay walang pangalan. Ni-reseve ito para kay Nikolaj at request yun ni Courtney para kay Minna kanina. Alam naman ni Minna kung para kanino 'yon, pero nagmaang-maangan na lang siya."Mr. Carreon, please take a sit," yaya ng sekretarya ng university na si Mrs. Salvador.Umupo naman si Nikolaj nang walang kaabog-abog."Wag kayong kabahan, ha? Ituloy niyo lang ang ginagawa niyo. Isipin niyo lang na normal na araw lang niyo ito,” paalala ni Mrs. Salvador kina Minna. "Oo nga. Mag-enjoy lang kayo. Wag kayong mailang dahil andito kami,” dagdag pa ng asawa nitong si Mr. Salvador. Ngumiti si Minna at magalang na bumati sa mic. "Maraming salamat po sa inyong pagdalo. Pangako, gagawin namin ang lahat para maging maganda ang performance ngayong gabi."Habang nagsasalita si Minna, sinamantala ni Nikolaj
Terakhir Diperbarui : 2026-01-26 Baca selengkapnya