Dumating ang Mother's’ Day Celebration, alam niyang kahit rebelde si Nikolah, kahit paano ay family oriented ito. Tuwing holiday nga umuuwi si Niolaj sa mansyon nila eh. Sa gantong celebration pa kaya na nanay na nito na ang pag-uusapan?Kaya pinilit niya si Nikolaj na umuwi at i-celebrate ang Mother’s Day kasama ang ina nito."Umuwi ka na, Nikolaj," pakiusap niya habang nag-aayos ng gamit. "Huwag ka ng umuwi dito sa apartment ngayong gabi. Mag-celebrate kayo ng nanay mo, Mother’s Day ngayon ‘di ba? Alam kong mag-e-expect yun na uuwi ka."Kumunot ang noo ni Nikolaj. "Minna—""Nikolaj, please," putol niya. "Kung ayaw mong ma-stress ako at kung ayaw mong mas lalong magalit sa akin ang pamilya mo, sundin mo ako. Tatlong araw lang naman ang hinihingi ng nanay mo sa’yo. Three days kang lang namang nasa kanila, okay?"Tama, tatlong araw ang hinihingi ni Madam Divina kay Nikolaj para i-celebrate ang Mother’s Day. Para kay Nikolaj, sobra-sobra na yun pero kasi para kay Minna mas maigi na yun
Read more