Nakahinga ng maluwag si Minna, sa wakas pagkatapos ng isang linggong pag-ooverthink, naibalik na niya ang card ni Nikolaj. Pakiramdam niya, nakahinga na siya ng maluwag.Sa isip niya, “Tapos na. Wala na kaming koneksyon ni Nikolaj at malaya na rin ako!”Dahil good mood siya, niyaya niya ang mga roommates niya na kumain sa isang restaurant malapit sa university niya. Pagkatapos kumain, nag-suggest si Kyla na pumuntang bar, "Girls, tara sa bagong bukas na bar malapit lang dito! Mag-bar hopping naman tayo! Second year na tayo ah, kailangan nating mag-celebrate, ano ba!"Umiling agad si Minna. "Pass muna ako. Nilibre ko na kaya kayo, next week magdidildil na ako ng asin niyan."Tinawanan siya ni Ariana at kinaway ang dalawang braso nito. "Ako na ang bahala! My treat! Drinks lang naman eh."Pumalakpak naman si Kyla. "Yes! Sabi mo ‘yan Ariana ah! Gora na tayo mga girls!"Pagdating nila sa bar, napanganga si Kyla dahil sa laki at ganda ng loob. Para itong palasyo sa sobrang laki!"Ariana, a
Last Updated : 2026-01-31 Read more