Lyndsey's POV "You're not supposed to tell me what?" Kunot noong tanong ko. "Your parents--" Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay sabay kaming napalingon sa pintuan nang bigla itong bumagsak. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang mga iyon! "M-mom, D-Dad!" Agad kong itinulak si Ezekiel. Sa sobrang bilis nang naging galaw ko ay napaatras si Ezekiel kaya nakawala ako sa kaniya. Ghad! Mabilis akong tumalon pababa sa lamesa nang pulang-pula ang mukha, sigurado akong mukha na akong kamatis ngayon dahil ramdam ko ang init ng mukha ko sa sobra-sobrang kahihiyan! "It's not what you think, M-mom--" Depensibo kong sabi, ni hindi ko napigilan ang pang-uutal sa sobrang hiya pero bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay bigla akong pinutol ni Zeke. Hinuli niya ang braso ko at hinila ako palapit sa kaniya, papunta sa kaniyang likuran na para bang pinipigilan niya akong lumapit sa mga magulang ko. Agad ko siyang matalim na tinitigan pero hindi niya naman naki
Ler mais