VALERIA FUENTES POV NANG makita ni Doctora Vida na wala na talaga akong balak na umalis dito sa poder ni Carlos, wala na itong nagawa pa kundi ang umalis na lang. Pero, bago ito umalis, muli ako nitong pinaalalahanan na kapag nagbago ang isip ko, pwede ko itong tawagan anytime. Dadating daw ito para sunduin daw ako. Isang pasasalamat na lang ang naging tugon ko sa efforts nito. alam kong Isang mabuting kaibigan si Doctor Vida pero sa sandaling ito, gusto ko munang sundin ang nilalaman ng puso ko. Pagkaalis ni Doctora Vida, muli na akong pumasok ng bahay. Direcho ako sa kwarto ng kambal kung saan nadatnan ko ang mga ito na seryosong nanonood ng cartoons movies. "Hi, Babies, kumain na ba kayo? Teka lang, ano iyang pinapanood niyo? Pwede bang makisali?" nakangiting wika ko Alam kong masama ang loob sa akin ng mga anak ko pero kailangan ko silang kausapin ngayun. Wala na akong balak na umalis at gusto ko na lang silang alagaan. "Carlito, swimming tayo." bigkas naman ni Vianna
Last Updated : 2026-02-05 Read more