VALERIA FUENTES POV Mabilis na lumipas ang mga araw.... "HAPPY BIRTHDAY, mga anak!" nakangiti kong bati sa dalawang teenagers ko pagkapasok pa lang nila dito ng dining area. Kakagising lang naming lahat at kahit na gaano pa kaabala ang araw na ito, naging routine na naming lahat ang sabay-sabay na kumain ng agahan. At si Carlos, pagkatapos ng pagpayag ko na magpakasal sa kanya, hindi na siya umaalis sa tabi naming mag-ina. Mas lalong lumawak ang hasyenda Fuentes. Ang katabi kasing lupain ng hasyenda ay ibinenta at si Carlos ang bumili. Kaya naman, naging abala din ito nitong mga nakaraang araw. At ang negosyo nito na nasa Manila, may taong pinagkakatiwalaan siyang mag handle na muna. Mas gusto na kasi nitong si Carlos na manatili dito sa hasyenda kasama namin kumpara sa lumuwas pa eh. Minsan, sinabi nito sa akin na parang gusto na lang daw niyang ibenta iyun para makapag -focus dito sa hasyenda pero mariin akong tumutol. May tatlo kaming anak plus isang adopted daughte
Ler mais