VALERIA FUENTES POV Ayaw kong may iba na namang madamay sa kalokohan ni Carlos. Kung hindi lang sa sinabi ni Manang kanina sa akin na sisisantehin daw ito ni Carlors kapag hindi ako kumain, hindi talaga ako kakain eh. Pero wala eh, ayaw kong madamay ito. Kilala ko si Carlos, kapag sinabi nito, gagawin nito "Sila Carlito Vance at Vianna Claire, kumain po ba sila bago natulog, Manang?" muli kong tanong kay Manang habang nandito pa ako sa dining area.. Umiling naman ito "HIndi po, Mam. Ayaw po nila. Pero, baka magising din sila mamaya at maghanap ng makakain. Nakaantabay naman po ang mga taga bantay nila kaya huwag po kayong mag-alala." sagot din naman ni Manang sa akin Tumango naman ako. Kahit na wala akong nalalasahan sa mga pagkain na nasa harapan ko, pinilit ko pa ring kainin ang laman ng pingan ko. Hindi kasi pwedeng sarili ko lang ang iisipin eh. Kailangan ko din pangalagaan ang kapakanan ng mga taong nasa paligid ko "Manang, salamat po sa masarap na dinner." wika ko k
Last Updated : 2026-01-31 Read more