VALERIA FUENTES POV NAGIGING maayos ang pag-uusap naming dalawa ni Doctora Vida. Bago kami naghiwalay, nag exchange kami ng contact number. Sinabi nito sa akin na magkikita pa raw kami sa mga susunod na araw na siyang sinang-ayunan ko din naman kaagad. Nagpasya ulit akong bumalik sa hotel kung saan kami naka check-in at pagkatapasok ko ng kwarto, nadatnan ko na natutulog ang lahat. Halatang pagod sila sa biyahe kaya pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit ng damit, natulog na din ako katabi ng dalawang bata. Dahil siguro sa pagod, nagising kami nang alas diyes ng gabi. Para sa amin, alanganing oras na iyun at wala na akong balak pang lumabas ng kwarto namin kaya nagpadeliver na lang ako ng foods dito sa room namin. Pagkatapos kumain, nag movie marathon lang kami at kinabuksan, nagpasya na akong ipasyal na sila sa mall. Sa hapon ang appintment ko sa isang agent na mag-aassist sa akin sa bibilihin kong condo at kinabukan, dadalo ako sa isang business forum. "Wow, ito
Last Updated : 2026-02-09 Read more