VALERIA FUENTES POV BUONG magdamag ako walang tulog kaya naman nang bumangon ako mula sa kama, feeling ko nakalutang ako. Napagkasunduan naming dalawa ni Carlos na mamayang hapon na daw ako nito sasamahan sa hospital para magpa -check-up. May meeting daw kasi itong dadaluhan ngayung umaga sa opisina nito which is pabor din naman sa akin iyun dahil gusto kong matulog pagkaalis nito mamaya "Magpahinga ka ha...promise, before lunch time, uuwi na din naman kaagad ako." nakangiti nitong wika sa akin. "Ayos lang! Kung hindi ako makapagpa-check-up ngayun, pwede namang bukas na diba? Carlos, okay lang ako. Wala naman akong nararamdamang sakit sa katawan ko kaya naman, huwag mo akong isipin." nakangiti kong sagot dito. Sumilay naman ang masayang ngiti sa labi nito bago ako nito masuyong hinalikan sa labi at pagkatapos noon ang mga bata naman ang nilapitan nito para magpaalam "Kids, magpakabait ha? Huwag magpasaway kay Mommy. Mamaya, uuwi ako ng maaga at ipapasyal ko kayo." wika nit
Última actualización : 2026-01-18 Leer más