CARLOS GUERRERO POV "CARLOS, kung gutom ka, inaantok naman ako. Sorry, hindi kita masasamahan para magkape." sagot ni Valeria sa alok ko Walang paligoy-ligoy, buo ang loob na para bang isa na lamang akong istranghero sa paningin nito. Mapait naman akong ngumiti "Ayos lang...pero, pwede ko bang kunin ang numero mo? I mean, mamaya pagising ni Carlito, tiyak na hahanapin ka niya. Tsaka, kapag malaman ni Vianna na dinalaw mo ang kapatid niya, tiyak na magseselos iyun.'" muli kong bigkas. Nabigo man ako na mapapayag ito sa paanyaya kong samahan muna ako na magkape, sana, hindi ako mabigong kunin ang number nito lalo na at wala man lang akong nakikitang kahit na anong reaction sa mukha nito Siguro nga, nagbago na si Valeria. Siguro nga, wala na akong halaga para dito Sabagay, sa dami ng mga nangyari sa amin at sa dami ng mga kasalanan na ginawa ko dito noon, baka nga hangang langit ang galit nito sa akin eh. Kung hindi ko siguro ibinalik dito ang hasyenda fuentes, baka hindi na
Read more