CARLOS GUERRERO POV "NO! HINDI totoo iyan! Nagkamali ka ng sinasabi mo, Kizzel." seryosong sambit ko "Paanong mali ako? Simula noong nagbailk ang Valeria na iyan sa buhay ng kambal, alam kong may nabago. Carlos, noon, malambing sa akin ang kambal, pero ngayun, tingin nila sa akin ay parang isang kontra- bida na." lumuluha nitong sambit. "Hindi ko nga alam kung saan ako nagkamali eh. Tinangap ko naman sila ng buo kasi mahal kita...kaya lang, siguro, mas mahal talaga nila ang taong nagluwal sa kanila dito sa mundo kumpara sa akin na nagmamalasakit lang." naghihimutok ang tono ng boses na patuloy nitong sambit. "CArlos, alam kong minamahal mo din ako at nangako ka sa akin ng kasal. Hindi mo pwedeng talikuran iyun. Ayaw kong mapahiya, at tiyak akong maapaktuhan ang career ko kapag hindi matuloy ang kasal natin. Carlos, mahal na mahal kita!" muli nitong bigkas at walang sabi-sabing basta na lang itong yumapos sa akin Hindi naman ako makakilos. Sa totoo lang, naguguluhan na ako eh
Read more