VALERIA FUENTES POV "Order ka pa ng gusto mo. What do you want, ice cream, cake or---" "Doc. ayos na po ako. Busog na. By the way, salamat dahil isinama mo ako sa pamamasyal at sa masarap na dinner. Nag-enjoy ako." nakangiting sagot ko dito. "Maliit na bagay. If you want, magtatagal naman ako dito sa Santa Carolina kaya naman, pwede ulit kitang sundunin sa kumbento para makapamasyal ulit." sagot din naman nito sa akin Walang pagdadawang isip na kaagad din naman akong umiling. Alam ko kasing sa Maynila naka-assign itong si Doc. Leonardo at kaya lang ito umuwi dito sa Santa Carolina para i-celebrate ang kaarawan nito at isa pa, may kamag-anak itong dinadalaw sa karatig na bayan. "Hindi na. Nakakahiya sa iyo, Doc. Siguro kung mapagawi ka dito sa Santa Carolina ayos lang." nakangiting sagot ko din dito. Isa pa, ayaw ko din kasi talagang maka-isturbo ng tao eh "Ayos lang. Tsaka, siguro kung ayos lang sa iyo..balak ko sanang iinvite ka para sumama sa akin sa Manila. Doon kasi, m
Last Updated : 2025-12-24 Read more