VALERIA FUENTES POV Ang mga katagang binitiwan ni Carlos ngayun sa harapan ko ay parang isang mahika na unti-unting bumubuwag sa pader na pilit kong inihaharang sa pagitan naming dalawa Naramdaman ko na lang sa sarili ko na para bang naniniwala na ako sa sinasabi nito ngayun. Wala naman sigurong dahilan para magsinungaling ito sa akin eh. Kung totoosin, ano ba ang mapapala nito sa akin? Kung iisipin, mas pabor pa nga yata sa akin ang lahat ng sinasabi nito ngayun lalo na at may amnesia nga ako. "OKAY, sige, para sa kapayapaan at katotohanan, papayag na akong sumailalim sa DNA test kasama ang mga bata." seryosong sagot ko kay Carlos. Kung sakaling mag positive man ang DNA test at mapatunayan na ako ng Ina ng kambal, pwede ko na sigurong iwasan si Doctor Leonardo lalo na at walang kapatawaran ang ginawa nitong pagsisinungaling sa akin. Lalo na at feeling ko, gusto pala ako nitong ilayo sa mga anak ko. Imagine, nagawa nitong iskereto sa akin ang lahat-lahat at inilayo ako
Last Updated : 2026-01-03 Read more