LIMANG TAON ANG MABILIS NA LUMIPAS VALERIA POV "VALERIA, iha, inumin mo muna ito. Masarap ito, kakarating lang kanina at pdala ni Doctora Vida para sa iyo." wala sa sariling napatigil ako sa paghahalo ng mixture ng cookies nang biglang pumasok si Mother Milagros. Bitbit nito ang isang tasa ng umuusok ng chocolate drink habang nakangiti. "Mother Milagros, naku, nag-abala pa po kayo. Nakakahiya naman po, hinayaan niyo na lang po sana na ako na ang magtempla niyan." nakangiting sagot ko dito "Ayos lang. Napakaliit na bagay kumpara sa mga ginagawa mo dito sa Angels of Hope. Simula noong dumating ka, malaking tulong ang ginagawa mong pagbi-bake para madagdagan ang pundo dito na malaking tulong naman para sa mga gastusin dito sa loob ng kumbento pati na din sa mga batang nandirito.." nakangiting sagot nito sa akin. "Naku, maliit na bagay po. Tsaka, feeling ko po sanay ako mga ganitong gawain. Para po kasing hinihila ang kamalayan ko sa pagbi-bake and very thankful po ako kasi na
Last Updated : 2025-12-22 Read more