CARLOS GUERRERO POV MAHIMBING ng natutulog si Valeria sa mismong kama ko pero ako, heto, dilat na dilat ang mga mata at ayaw dalawin ng antok. Hangang ngayun patuloy ko pa ring iniisip kung hangang saan at kailan ko kayang panindigan ang lahat ng mga kasinungalingan na pilit kong itinatanim sa isipan ni Valeria. Hanga't maaari, ayaw ko na din talagang maalala nito ang nakaraan dahil alam ko sa sarilli ko na iyun ang magiging way para kamuhian ako nito Naging malupit ako dito noon. Malaki ang mga pagkakamali ko at alam ko sa sarilli ko na ako ang dahilan ng maagang pagkamatay ng ama nito. And now, heto ako ngayun, patuloy na minumulto ng nakaraan at patuloy na umaasa na sana huwag na. Sana, habambuhay na itong amnesia ni Valeria dahil kapag bumalik ang alaala nito, alam kong isusumpa ako nito Wala sa sariling napatitig ako sa payapa nitong mukha na natutulog. Napakaganda nito at ngayung binigyan ako ng kapalaran ng pagkakataon na makasama ito, gusto kong sulitin iyun. Gust
Last Updated : 2026-01-12 Read more