Pagkalingon ni Zoe, si Cassandra pala ang nasa likod niya. Napahawak na lang siya sa ilong niya sa sobrang hiya, feeling niya gusto niya na lang magpalamon sa lupa sa herg. Imbes na mahiya, si Nathaniel na may balat sa mukha na kasing kapal ng semento ay tinaasan lang siya ng kilay. "Parang pinalalabas mo namang napakasama kong impluwensya, ah." Hindi na siya sinagot ni Cassandra, pero nakasulat na sa mukha nito ang apat na salita: Bakit, hindi ba? Pinilit ni Zoe na itago ang hiya at tumayo gamit ang hawak ni Nathaniel sa braso niya. "Bakit po kayo andito ngayon? Kumusta na po ang paggaling ni Lola Cecilia?" Actually, pagkatapos mag-breakfast, iniisip niya kung bibisitahin niya ba si Cecilia sa ospital. Pero ayaw talaga siyang payagan ni Cassandra, at sinabihan lang siyang magpahinga na lang at asikasuhin ang sarili. Grabe ang pananakot nito na kapag nangahas siyang pumunta roon, hinding-hindi na siya ituturing na estudyante nito. "Okay naman ang lola mo. Hindi ka lang talaga ni
Read more