Tinitigan ko siya nang mabuti habang niyayakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Tuwa ba, gulat, o takot? Siya pala ang tunay kong ama. Ito ang lalaking nagbigay sa akin ng buhay, ang lalaking matagal ko nang hinahanap sa isip ko pero hindi ko kilala. Pero habang tinitingnan ko siya, kitang-kita ko kung gaano siya kalayo kay Tito Damien kung ipagkukumpara.Si Tito Damien, kahit seryoso at matigas minsan, maayos naman siya manamit, magalang kumilos, at may kakaibang kapayapaan sa mukha na nagbibigay ng kapanatagan sa akin. Pero siya… Na ana ko, ibang-iba. Ang datingan niya, parang laging handang makipaglaban. Parang goons sa pelikula. Yung itsura niya, yung tayo, at yung mga mata niyang tila marami nang nakitang masama sa mundo, mukha talaga siyang badboy. Yung tipong mapapalayo ka kapag nakita mo siya sa daan, yung tipong alam mong hindi dapat guluhin. Napaisip ako, "ganito ba talaga ako magmukha kapag tumanda ako? Dahil ba dugo niya ang nananalaytay sa aki
Read more