BIANCA POINT OF VIEW Nagtataka na talaga ako sa sarili ko. Habang tumatagal, lalo ko lang nararamdaman na gusto ko si David na laging nasa tabi ko. Mula sa pagkagising ko sa umaga hanggang sa bago ako pumikit sa gabi, siya ang laging hinahanap ng mata at isip ko. Kahit nasaan man ako, kapag wala siya, parang may kulang, parang hindi kumpleto ang araw ko. Alam ko sa sarili ko na hindi na ito normal. Alam kong may mali na sa ugnayan namin bilang magpinsan. Sa paraan ng pakikitungo namin sa isa’t isa, sa mga hawakan, sa mga salitang binitiwan namin, at sa kung paano kami magkatampuhan... para na talaga kaming magkasintahan. Hindi na ito gaya ng dati na simpleng pagmamahal lang ng magkamag-anak. Kung ano ang gusto ko, ginagawa niya. Kung ano ang sinasabi ko, sinusunod niya. Palagi niya akong inuuna sa lahat ng bagay, kaibigan man, pag-aaral, o kahit kanino pa. Alam kong handa siyang isakripisyo ang lahat basta lang masaya ako at hindi ako nagtatampo sa kanya. Isang araw, habang
Read more