DAVID POINT OF VIEW Ilang taon na ang lumipas, pero parang kahapon pa lang ang lahat sa alaala ko. Ang huling sandaling nakita ko siya, ang huling ngiti, ang huling halik—lahat 'yun ay nakaukit nang malalim sa isipan ko, at tila ba ayaw nang maglaho kahit anong gawin ko. It feels like time has stopped since she lleft. Pero ang pinaka masakit na katotohanan ay noong mula noong araw na isinakay siya sa eroplano at dinala palayo patungo sa ibang bansa, wala na... wala na akong natanggap ni isang mensahe, ni isang tawag, not even a single word na nagsasabing buhay pa siya o ano. Nakaugalian ko nang hawakan ang telepono ko sa lahat ng oras, nakatitig sa pangalan niya sa listahan ng mga kontak ko, naghihintay na sana anumang oras ay tumunog ito, o lilitaw ang pangalan niya sa aking screen. Araw-araw, gabi-gabi, ginagawa ko 'yun. Nagbabasa ako ng mga lumang mensahe namin, binabalikan ang mga panahong puno pa ng kulay at saya ang buhay namin. Those memories are the only things keeping m
Read more