ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW Dahil sa pagpayag ni Damien ay nag-set agad ako ng petsa para magkita at magkausap na kami ng Itay. Hindi ako makapaniwala na mabilis lang ang lahat – mula sa pagtawag niya hanggang sa pagkakasundo namin ng petsa ng pagkikita. Sobrang saya ko na makakausap ko na siya ng maayos at baka nga ay makapag-ayos na kami ng tuluyan. Nakiusap ang itay na sa office niya ako pumunta para doon kami mag-usap. Si Damien pa ang naghatid sa akin sa labas ng kumpanya gamit ang kotse ng itay. Bago ako bumaba ng sasakyan, hinawakan niya ako sa kamay at ngumiti ng mahinahon. "Kung kailangan mo ako, tawagan mo lang ako agad, ha?" sabi niya. "Hindi ako mawawala sa tabi mo." "Salamat, mahal," sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. "Susundin ko lahat ng sinabi mo. Bibigyan ko siya ng pagkakataon pero hindi ako papayag na saktan ako ulit." Ngumiti siya at tumango. "Yan ang gusto kong marinig. Alam kong kaya mong protektahan ang sarili mo ngayon." Bumaba ako ng kotse at tinig
Zuletzt aktualisiert : 2026-04-03 Mehr lesen