ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW Habang kami ay naglalakad papunta sa gitna ng grand hall, naramdaman ko ang tibok ng puso ko na parang lalabas na sa dibdib ko. Ang buong lugar ay napuno ng mga ilaw at musika, habang ang mga bisita ay nag-uusap-usap at naghihintay para sa susunod na bahagi ng handaan. Biglang tumigil ang lahat ng musika at tumahimik ang buong lugar. Lahat ay napatingin sa direksyon ng entablado kung saan nakatayo si daddy na may hawak na mikropono. "Lahat po, maupo na muna tayo," bati ni daddy sa lahat. "Ngayong gabi, bilang aking kaarawan, may isang napakahalagang anunsyo akong gagawin para sa inyong lahat." Nagulat ang lahat sa sinabi niya. Naririnig ko ang mga bulungan ng mga bisita habang sila ay umuupo na. "Maraming salamat sa inyong lahat na dumating ngayong gabi para sa aking kaarawan," simula ni daddy. "Ngayong ako ay tumatanda na, lalong lalo na ang aking mga responsibilidad bilang ama at bilang CEO ng kompanya. At dahil dito, may isang napakahalagang
Última atualização : 2026-04-05 Ler mais