ANDREA’S POINT OF VIEW Parang unti-unting gumuguhit ang mga katanungan sa isip ko, at kahit anong pigil ko, hindi ko na maalis ang kaba at pagdududa. Sa tuwing maaalala ko ang mga pagkakataong iyon, parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Maganda si Sharraine ay may kaunting pagkakahawig kami. Aaminin ko, nagseselos ako. Sana, mali ako. Sana, stress lang ito na hatid ng pagbubuntis ko. Isang hapon, habang nagpapahinga ako sa kwarto, naisipan kong kumuha ng tubig sa kusina. Habang papalapit ako, narinig ko ang boses nila—si Damien at si Sharraine. Mababa lang ang kanilang boses, parang sinisigurong walang makakarinig. Tumigil ako sa may pinto at nakikinig nang tahimik. Hindi ko marinig nang malinaw ang mga sinasabi nila, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat salita. Hindi sila nagtatalo tulad ng dati, parang nagpapaliwanag at nagtatanong lang sila, pero parang may malalim na dahilan ang kanilang pag-uusap. Nang maramdaman nilang may ibang tao sa paligid, biglang tum
Huling Na-update : 2026-04-17 Magbasa pa